Wednesday, January 7, 2009

hindi pa tapos ang lahat

Grabe, mag-iisang taon na pala. Parang kelan lang naghahanda pa kami sa graduation. Excited. Hindi makatulog. At panay ang plano kung san at anung gagawin after ng graduation. Tapos eto na. Mag-iisang taon na.

Marami ng nagbago. Andami na ding nagyari. Pero kung minsan naiisip ko, hindi naman talaga ganito ang gusto ko. Sabi nga namin, "one more! one more!". Sa madaling salita, wala pa kong nagagawa talaga sa mga plinano kung mangyari nung nasa "training field" pa lang ako. Akala ko ganun lang ang buhay. Hindi pala. Sobrang exact opposite sya ng nakikita mo sa TV. At malaki ang pagkakaiba nya sa naririnig mo sa ibang tao na nakaranas na umanong mamuhay sa tinatawag nilang "totoong mundo". Ooppss, teka. Hindi nagawa ang blog na to dahil punong puno ako ng disappointment o anu pa man. Gusto ko lang sanang balikan yong mga bagay na naramdaman ko nung pinasok ko ang mundong ginagalawan ko ngayon. Mundong puno ng halu-halong emosyon. Saya... lungkot... pag-asa... tagumpay.. at pagkabigo. Sa madaling salita, real world is not bad at all. It depends on how you are going to perceive it once you get there.

Tapos, eto na ko. Pagkatapos ng maangas at nakakatuwang pakikipagsapalaran kasama ang mga katulad kong nag-eexpect ng masaya at kapanapanabik na buhay sa labas ng apat na sulok ng laging maingay na classroom, heto na ko. Nakikipagsapalaran sa totoong mundo na nangangailangan ng matalino at madiskarteng aksyon at desisyon para magtagumpay. Wala ng palakasan. Hindi na mahalaga kung sinong sikat at sinong never-heard ang pangalan. Wala ng pag-uusapang flat 1 na kelangang habulin para lang mahabol ang libreng tuition fee at di mapag-usapan ng mga matatabil ang dila sa klase. Heto na ko.... nakikipagkompetensya sa mundong mas maraming kaaway at kakampi. Panibagong simula.


Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang wala pa sa katiting na karanasan ko dito. Basta ang alam ko, maraming araw na nagmukha akong tanga dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang isang gawain na sa libro at whyteboard ko lang natutunan. Pero maraming araw din akong masaya dahil sa mga bagong karanasan na sa totoong mundo lang mararanasan. At eto ako ngayon, patuloy na nakikipaglaban. Naisip ko, marami pa kong gustong gawin, at bagamat maaga pa para saken ang lahat, nasa tamang panahon na ako para simulan ang mga nais kong mangyari. Hindi ko alam kung anu pang magaganap sa akin sa mga susunod na araw. Walang makakapagsabi. Pero sigurado ako sa mga gusto kong marating. At yon ang tanging panlaban ko para magtagumpay.

Sa halos isang taon ko dito, masasabi kong matagumpay ako kahit paano. Sapat na ang mga bagay na nakukuha at nagagawa ko para masabing hindi ako nagkamali sa mga desisyon ko at nagbunga ang mga pinaghirapan ko habang inihahanda ko ang sarili ko sa pagpasok ko sa bagong mundo na ito noon. Hindi ako loser. At sa mga susunod na taon, muli kong babalikan ang isinulat kong ito upang sukatin ang pananaw ko sa katayuan ko sa buhay sa pagkakataon na yon.

Mabilis lang ang panahon. Sandali lang ang lahat.